James Harden bumisita ulit ng bansa para sa #FreeToHardenManila event

56
Image via adidas Facebook page

Balik-Pinas sa ikatlong pagkakataon si Rockets star player at NBA 2018 MVP James Harden para sa kanyang two-day event.

Dumating sa bansa si ‘The Beard’ nitong Hunyo 25 at agad dumiretso sa University of the Philippines (UP) Diliman upang makasama ang Pilipinas Warriors at si Mulan Lucman mula sa UP Women’s Basketball Team.


Kinabukasan, nagtungo ang NBA Superstar sa Adidas Store, Bonifacio Global City (BGC) para sa press conference at meet and greet ng ilang fans.

Malipas ang ilang oras, pumunta si Harden sa SMX Convention Center, Pasay City para sa “Free to Harden Freestyle Hub” event ng Adidas.

Sa kasagsagan ng programa, game naman nakipaglaban sa mga basketbolistang sina Rey Nambatac, Bright Akhuetie, Kobe Paras, Diego Dario, Troy Rike, Aljun Melecio ang seven-time NBA All-Star.

Ang mga nilaro niya 3-on-3 scrimmage, ‘step back’ three-point shootout at modified game na B.E.A.R.D.

Matatandaang dumalaw sa bansa si Harden taong 2013 para sa NBA 3×3.

Facebook Comments

From Advertisers