James Harden ng Houston Rockets, dumalo na sa kanilang training

Nagpakita na sa Houston Rockets camp si James Harden matapos ang dalawang araw na hind nito pagsipot.

Agad ito sumailalim sa COVID-19 test bilang bahagi ng protocols.

Bagama’t may umiiral pang kontrata hanggang 2022 si Harden, hinahangad nitong ma-trade patungo ng Brooklyn Nets kung saan nandoon sina Kevin Durant at Kyrie Irving.


Samantala, magsisimula ngayong weekend ang pre-season games ng National Basketball Association (NBA) habang sa December 22 ang pormal opening ng 2020-2021 new season.

Facebook Comments