James Reid at Nadine Lustre, kumpirmadong hiwalay na!

Kumpirmadong break na sina James Reid at Nadine Lustre pagkatapos ng halos apat na taong relasyon.

Ginawa ng dalawa ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas sa isang late night show program ng Kapamilya network kagabi, January 20.

Sa statement nila, itinanggi nina James at Nadine ang mga lumabas sa mga tabloid at social media na dahil daw sa mental illness ng aktres kaya naghiwalay ang dalawa.


Nagdesisyon sina James at Nadine na tapusin ang kanilang relasyon para maka-focus sila sa kani-kanilang careers.

Para raw ito sa kanilang personal growth lalo na at mga bata pa sila at marami pa silang gustong abutin sa buhay.

Napagkasunduan daw nila na ang maghiwalay ng landas ang pinakamabuti para sa kanila.

Kasabay nito, nilinaw ng dating magkasintahan na nananatili silang “good friends” at patuloy na makikipagtrabaho sa isa’t isa, lalo na sa larangan ng musika.

Matatandaang bago matapos ang 2019 ay pumirma ng kontrata si Nadine sa itinayong music company ni James, ang Careless Music.

Facebook Comments