James Reid, ibinibenta ang bahay na tinirhan nila ni Nadine Lustre

4978
Nadine Lustre and James Reid. PHOTO via Instagram/@james

Binibenta ni James Reid ang isa niyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Quezon Ciy na napaulat na tinuluyan nila ng dating nobyang si Nadine Lustre.

Isang buwan matapos kumpirmahin ng dalawang Kapamilya star ang hiwalayan, inilabas ni Reid sa kanyang Instagram ang detalye ng ibinebentang ari-arian.


Screenshot from James Reid’s IG story

Nagkakahalaga ng P82 million hanggang P85 million ang tatlong palapag na bahay na mayroong pitong kuwarto, dalawang kusina, fully equipped gym, recording studio, swimming pool, at garahe.

Bagaman hindi sinabing ito ang tinirhan nila ni Lustre, kapansin-pansin ang chandelier at wooden railings sa balkonahe na mangilang beses na ginawang background ng aktres sa kanyang mga post sa IG.

View this post on Instagram

movie night 🎟

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

View this post on Instagram

running thru my mind always

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on




Taong 2017 nang mapabalitang nagsasama sa isang bubong sina Reid at Lustre, ngunit kinumpirma lamang ito ng aktor noong 2019.

Sa kabila ng hiwalayan, nanatiling magkaibigan ang dalawa na namataang lumalabas pa rin kasama ng iisang grupo.

Pareho rin silang abala sa kani-kanilang proyekto.

Facebook Comments