James Reid, mahirap daw pakisamahan sa trabaho?

How true na mahirap daw ka-trabaho ang aktor na si James Reid dahil masyado raw itong maarte at demanding?!

Ayon sa isang source, may ginawa raw na commercial ang aktor kung saan nag-demand itong mabayaran siya ng buo bago ito mag-shoot.

Nag-demand pa raw si James na gawing one day ang shoot na kadalasan ay two to three days ang tinatagal para sa isang commercial.


Nasunod naman ang gusto ng aktor, ‘yun lang ay hindi mabenta ang kanyang commercial dahil hindi ito nagresulta ng big sales sa inendorso niyang product.

Wala pang komento ukol dito ang aktor.

Facebook Comments