James Reid, nagsalita na sa isyu ng pagka-elimina ng isang reggae artist sa ‘Idol PH’

240
Image via James Reid @james on Instagram

Nagsalita na si James Reid ukol sa isyu ng pagka-elimina ng isang reggae artist nitong Linggo sa ‘Idol Philippines’.

Sa tweet ni James (@tellemjaye), sinabi niyang hindi madali ang trabaho nilang hurado sa show.


“You have no idea how hard it is to crush peoples dreams right infront of them. That’s the burden we carry as judges to try and give one special person a chance of a lifetime. Just wait. The auditions isn’t even the hardest part,” paliwanag ni James.

“Like I said, Luke Baylon is a good singer but we’re looking for the total package. Wait till you see the 12 finalists. You’ll see why I said he wasn’t ready. For now, I wish all the successes in his music career. That rendition of If I Ain’t Got You was sick,” dagdag niya.

Inawit ni Baylon ang reggae version ng “If I Ain’t Got You” ni Alicia Keys.

Nauna na ritong nagbahagi ng pagkadismaya si Juan Karlos Labajo na agad nag-trending sa social media.




Sa apat na hurado, si Regine Velasquez lamang ang bumoto na in favor, habang ‘no’ naman sina James Reid, Vice Ganda at Moira dela Torre.

Facebook Comments