James Reid, pabor sa mga naging pahayag ng girlfriend nito na si Nadine Lustre tungkol sa pagli-live in nila

Manila, Philippines – Pabor ang young actor na si James Reid sa naging pahayag ng celebrity girlfriend na si Nadine Lustre hinggil sa isyung nagsasama na sila sa iisang bubong.

Ayon sa 24-year-old actor, hindi niya alam ang tungkol sa nasabing interview kay Nadine pero gusto niya ang naging sagot nito.

Una rito, no regrets ang 23-year-old actress kaugnay sa tila pag-amin na live-in na sila ni James kung saan ibinida pa nito na suportado raw siya ng kanyang mga magulang.


Nabatid na inulan ng batikos si Nadine sa kanyang kontrobersyal na sagot kung saan wala naman daw masama kung totoong nagli-live in na sila ng kasintahan lalo na sa henerasyon ngayon.

Sinabi pa ni Nadine, sanay na siya sa pagkakaroon ng mga kritiko ngunit hindi ito magiging dahilan para piliin lamang ang mga sasabihin sa mga panayam dahil gustong maging tapat sa fans.

Gayunman, malayo pa raw sa isip nito ang pagpapakasal sa kasintahan at focus muna sa kani-kanilang career.

Facebook Comments