Umatras na ang aktor na si James Reid para sa remake ng pelikulang “Pedro Penduko.”
Ayon sa Viva Films, umatras si James dahil sa naranasan nitong spinal injury.
Ang pelikula raw kasi ay kinakailangan ng intensive training at major stunts bagay na ipinagbawal sa aktor para sa kaniyang regular na therapy at treatment.
Hindi naman sinabi ng Viva Films kung paano nakuha ni James ang nasabing injury.
Sa kabila nito, sinabi ng Viva Films na kahit na umatras ang young aktor ay itutuloy pa rin nila ang nasabing pelikula na idi-direk ni Treb Monteras.
Facebook Comments