Pinangunahan ni James Yap ang panalo ng Rain or Shine Elasto Painters kontra TNT Tropang Giga sa nagpapatuloy na 2020 PBA Philippine Cup.
Nakakuha ng 16-points si Yap dahilan para talunin Rain or Shine ang Tropang Giga sa score na 80-74.
Dahil sa panalo ng Elasto Painters, hawak nila ngayon ang 6-4 win/loss record at nakasiguro na rin ng pwesto sa quarterfinals.
Dahil naman sa pagkatalo, tinapos ng TNT ang elimination round na may pitong panalo at apat na talo.
Facebook Comments