James Younghusband, nakahandang muling patunayan na may ibubuga pa siya

166

Sports – Binabalewala na lamang ni James Younghusband ang mga batikos na lipas na umano ang panahon niya para sa men’s national football team, ang Philippine Azkals.

Sabi ni Younghusband, nakahanda siya sa anumang ipapagawa sa kaniya ni Coach Thomas Dooley lalo na’t tadtad ng mga injury ang koponan.

Dagdag pa ni Younghusband walang kasing-sarap ang pakiramdam na mapahiya ang mga nagsasabing mahina na siyang maglaro.


Nakatakdang sumabak para sa ikawalumput isang pagkakataon si Younghusband para sa Philippine Azkals kontra sa Yemen.

Sa kabila nito, giniit ni Younghusband na hindi nababawasan ang pagnanais na maglaro at magbigay ng karangalan para sa Pilipinas.

Dahil sa injury ni Manny Ott, isa si Younghusband sa mga pinagpipilian ni Dooley para maglaro sa Martes.



Facebook Comments