Jane Oineza, nanawagan sa Twitter tungkol sa nawawalang wallet sa dinaluhang UP Fair

3213
(Elizabeth Jane Oineza Instagram)

Humingi ng tulong ang Kapamilya actress Jane Oineza sa social media na maibalik ang kanyang nawawalang wallet sa dinaluhang UP Fair, kahapon, Pebrero 11 sa University of the Philippines Diliman.

Nanawagan ang aktres sa kanyang Twitter account na sana ay maibalik sa kanya ang naturang gamit dahil mayroon daw doong id nya noong siya ay nasa Goin’ bulilit pa.


Saad niya sa post, “Soooo kung sino man po nakapulot ng wallet ko dito sa Up fair 🙁 sana mabalik nyo po. May id po ako don ng abs na mukhang taga goin bulilit pa 😅 pasitib lang tayo 🤘🏻”

Marami ang nakisimpatya sa kanya sa social media at nagsabing hiling din nila na makita na ang kanyang wallet dahil sayang umano ang mga ids na naroon.

Samantala, kahapon ang unang araw ng naturang fair na ginanap sa UP Sunken garden kung saan ilan sa mga nagpakitang-gilas ang SB19 at Unique Salonga.

Sa ngayon ay wala pang inaanunsyo ang aktres kung natagpuan na ang kanyang wallet.

Facebook Comments