Janella Salvador at Jameson Blake, umapela sa fans na itigil ang pamba-bash

Magtatambal sa unang pagkakataon si Janella Salvador at Jameson Blake para sa upcoming movie na “So Connected” ngunit mukhang hindi ito aprubado ng ElNella fans.
Ayon kay Janella, naiintindihan niya ang mga fans ngunit huwag na daw sanang magbitaw ng mga masasakit na salita.
Pahayag niya, “Well, siyempre naman na hindi maiiwasan na they felt bad, they’re hurt, and some of them released some hurtful words.
“Pero at the same time, I understand them, but sana lang, if they don’t like to support the movie, don’t say some hurtful words na lang, di ba?”
Aminado naman si Jameson na hindi siya sanay sa mga bashing, ngunit may ilang fans daw na nagpakita ng suporta sa kanila ng 20-year-old-actress.
Dagdag naman ni Janella, “iwas negativity” daw siya at deadma lang sa mga bashers, at nagpaabot na rin siya ng mensahe sa mga fans nila ni Elmo.

Facebook Comments