Janella Salvador at Markus Paterson, kinumpirma at ipinakilala na ang kanilang first born na si Baby Jude!

Sa wakas ay kinumpirma na nina Janella Salvador at Markus Paterson ang ilang buwan nang espekulasyon na buntis ang aktres.

Ito ay makaraang ipakilala na sa wakas nina Janella at Markus ang kanilang first born na si Baby Jude at kumpirmahing ang pagiging first time parents.

Sa bagong YouTube channel ng celebrity couple na may pangalan na M & J, ipinakita nila ang ilang milestone mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak ni Janella.


Kabilang dito ang video clips ng unang hawak ni Janella kay Baby jude nang manganak siya noong October 20, 2020 sa isang ospital sa United Kingdom.

Nabatid na February 2020 nang nalaman ng magkasintahan na buntis ang aktres habang July nang napapansin na ng mga fans ang paglaki ng tiyan nito.

September 2020 nang pumunta si janella sa hometown ni Markus sa England kung saan dito na siya namalagi.

Bukod kay Baby Jude, makikita rin sa vlog ang pagbati ng mga close friends at pamilya nina Janella at Markus para i-welcome si Baby Jude.

Facebook Comments