Janella Salvador, bumuwelta sa mga basher na nagba-body shaming

Hindi napigilan ng aktres na si Janella Salvador na maglabas ng sama ng loob sa mga taong na mahilig mang-body shame o mambatikos sa pangangatawan ng iba.

Ayon kay Janella, ang mga Pilipino ang pinaka-worst body shamers sa lahat.

Bagama’t hindi tinukoy ni Janella kung saan nag-ugat ang kanyang post, makikita sa isang post sa kanyang Instagram account ang sunod-sunod na pangungutya sa kanyang katawan.


Nilinaw naman ng aktres na naging malusog lang siya at nahiyang sa panahon at pagkain sa England.

Matatandaang una nang napabalita ang pagtira ng aktres sa UK matapos ang usap-usapang pagdadalang-tao umano nito sa anak niya sa boyfriend na si Markus Paterson.

Kasalukuyang nakatira ngayon si Janella sa England kasama si Markus at ang pamilya nito.

Facebook Comments