Janella Salvador, buntis daw?

2726

Dalawang araw matapos kumpirmahin nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang relasyon, usap-usapan ngayon na buntis ang aktres.


Ilan sa fans kasi ng 22-year-old actress ang nagsabing buntis ito.

Ito ay makaraang marinig ng fans na bawal tumalon si Janella.

Sa recent live stream session kasi sa Facebook nina Janella at Markus, sinabi ng aktres na muktikan na siyang mapatalon at hindi ‘yon maganda dahil bawal.

Bunsod nito, ilan netizen ang nag-conclude na buntis si Janella.

Sa kabila nito, wala pang anumang pahayag ang kampo nila Janella at Markus.

Facebook Comments