Janella Salvador, naaksidente sa shooting ng kanyang pelikulang ‘Bloody Crayons’

Manila, Philippines – Laking pasalamat ng actress na si Janella Salvador na hindi naging grabe ang kaniyang kalagayan matapos na maaksidente.

Ayon sa actress, tumama kasi ang ulo niya sa harness na gawa sa bakal habang ito ay nagsho-shooting ng pelikulang “Bloody Crayons.”

Agad namang biniygang ng paunang lunas si Janella kung saan nag-alala ang kaniyang ka-love team na si Elmo Magalona matapos malaman ang insidente.


Samantala, kinumpirma ng aktres na si LJ Moreno na nagdadalang tao na siya ngayon kaya’t tuwang-tuwa ang PBA superstar na si Jimmy Alapag.

Ito ana ng ikatlong anak ng mag-asawa kung saan meron sialng adopted son na si Ian Maximus, 3-taong gulang at si Baby Keona Skye, na 2-taong gulang.

Nag-iisip na din ng pangalan si Jimmy para sa magiging baby boy nila.

Facebook Comments