The long wait is over.
Pormal nang ipinakilala si Janella Salvador na gaganap bilang Valentina” o ang serpent queen sa film remake ng “Darna” ni Mars Ravelo.
Ito’y dalawang taon mula nang unang ianunsyo ang pagkakapili kay Jane De Leon bilang bagong Darna.
Mismong ang series director at tanyag na filmmaker na si Chito Roño ang pumili kay Janella mula sa mga nag-audition para sa nasabing kontrabida role.
Matatandaang halos dalawang taon ding namahinga si Janella sa showbiz matapos niyang isinilang ang anak nila ni Markus Paterson.
Facebook Comments