Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Janet Lim Napoles, dating Davao del Norte Rep. Arrel Olaño at iba pa sa kasong graft, malversation at bribery kaugnay ng PDAF scam.
Nag-ugat ang kaso sa pag-endorse ni Olaño sa Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI) at Countrywide Agri and Rural Economic Development Foundation, Inc. (CARED) bilang project partners noong 2007.
Ito ang nagpatupad sa livelihood projects para sa mga barangay sa distrito ng dating mambabatas na pinondohan gamit ang kanyang PDAF.
Inatasan ng Sandiganbayan sina Napoles, Olaño at kapwa akusado na si Ma. Rosalinda Lacsamana ng kabuuang P15,440,000 sa gobyerno o doble ng halagang winaldas ng mga ito.
Si Olaño ay una nang nahatulan sa kasong direct bribery matapos na mapatunayang tumanggap siya ng mahigit 3.1 million pesos na suhol kapalit ng endorsement sa non-government organizations ni Napoles.