MANILA – Nanindigan ang Palasyo ng Malacanang na hindi pa rin makakalabas ng kulungan si Janet Lim Napoles na nahatulan ng hindi bababa sa tatlumpung taong pagkakabilanggo sa kasong serious illegal detention.Ito’y kahit pa pinahintulutan na ng Sandiganbayan 4th division na makapagpiyansa si Napoles sa isa pang kasong plunder kung saan co-accused si Dating APEC Party List Rep. Edgardo Valdez at Dating Gov. Rizalina Seachon-Lanete na kabilang din sa pinayagan makapag-piyansa.Batay sa ruling ng anti-graft court, hind sapat at hindi matibay ang mga ebidensya na magpapatunay na guilty ang mga akusado sa kinakaharap na kaso.Ayon naman sa abogado ni Rizalina Seachon-Lanete na si Atty. Laurence Arroyo, sa bail petition na ito ay titignan lang ng korte kung may malakas na ebidensya sa kaso upang payagan o hindi na makapag piyansa kung saan hindi pa nalilitis dito ang mismong kaso, ibig sabihin, marami pa ang puwedeng magbago kapag nagsimula na ang mismong paglilitis.Kampante naman ang abogado ni Valdez na si Atty. Joel Ferrer na base sa desisyon ng bail petition ay madi-dismiss ang kaso.Malaking hamon ngayon sa prosecution na makapag-labas ng karagdagang ebidensya upang mapatunayang guilty sa kaso sina Napoles, Valdez at Lanete.
Janet Lim Napoles, Bigo Makalaya Dahil Sa Iba Pa Nitong Kaso
Facebook Comments