Janet Lim Napoles, payag na maging state witness sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel fund scam… abogado nito, nanawagang isailalim sa house arrest ang kanyang kliyente

Manila, Philippines – Payagsi Janet Lim Napoles na maging state witness sa mga kasong may kaugnayan sapork barrel fund scam.
 
Ayon kay atty. Stephen David,ibinasura ng Aquino administration na maging state witness ang kanyang kliyentedahil sa takot na madawit sa kontrobersya ang ilang kaalyado nito.
 
 
Sakaling kunin angkanyang kliyente na maging state witness, nanawagan si David na isailalim sahouse arrest si Napoles.
 
 
Sinabi naman ni PresidentialSpokesman Ernesto Abella, wala pang nangyayaring pag-uusap tungkol sa pagigingstate witness ni Napoles.
 
Si Napoles angitinuturong utak ng PDAF scam kung saan ginamit ng ilang mambabatas angkanilang pork barrel para sa mga pekeng proyekto.
 
Lunes ng absuweltuhinsi Napoles ng Court of Appeals sa kasong serious illegal detention na isinampang whistleblower na si Benhur Luy.
 
Bagamat naabswelto sakaso, mananatili sa kulungan si Napoles dahil sa mga nakabinbing kaso ngplunder sa sandiganbayan na non-bailable offense.
 
 

Facebook Comments