Janet Napoles, nailipat na sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City

Manila, Philippines – Nailipat na ng piitan ang itinuturong pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Ayon sa Sandiganbayan First Division, mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Camp Bagong Diwa Taguig inilipat si Napoles sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City noong Enero 4.

Ito ay ilang oras matapos na ibasura ng korte ang apela ni Napoles na hayaan na lamang siyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa.


Matatandaang Disyembre 2018 nang hatulang guilty sa kasong plunder si Napoles at sinentensyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo at inutusang magbayad ng P124 milyon na ibabalik sa National Treasury.

Facebook Comments