Janine Gutierrez, inaming hindi pa BF si Rayver Cruz

Inamin ngayon ng aktres na si Janine Gutierrez ang totoong estado ng relasyon nila ng aktor na si Rayver Cruz.

Say ni Janine, hanggang ngayon ay hindi pa din sila mag-on ni Rayver kahit pa dalawang taon nilang pag-de-date.
Dagdag ng aktres, pinipigilan daw niyang maging seryoso dahil ayaw na niyang maulit muli ang nangyari sa nagdaan niyang relationship kay Elmo Magalona na nakipaghiwalay sa kaniya dahil sa ibang babae.

Sa ngayon, ang alam daw ng aktres ay masaya daw siya kapag nakakasama si Rayver.


Facebook Comments