Janine Gutierrez, may buwelta sa mga pumupuna sa kaniya sa pagbibigay ng komento sa iba’t ibang political issues

“Karapatan at responsibilidad ng bawat pilipino ang makialam sa mga isyung may kinalaman sa kanyang bansa’’

Ito ang naging sagot ng aktres na si Janine Gutierrez sa mga pumupuna sa matapang nitong pagpapahayag ng opinyon tungkol sa iba’t ibang political issues sa bansa.

Sa kanyang Instagram account, nanawagan ito sa kanyang mga followers na basahin at intindihing mabuti ang ibinahagi nitong information tungkol sa Anti-Terrorism Bill para maunawaan ng lahat.


Pinayuhan din ni Janine ang lahat na huwag magpatinag sa mga pambabatikos sa freedom of speech dahil bilang Pilipino, karapatan ng bawat isa na magsalita, magtanong at makialam sa mga isyung nakakaapekto sa atin.

Facebook Comments