Janitor ng CRMC Binaril patay

*Patay ang isang janitor ng CRMC matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem kahapong alas otso ng umaga sa kahabaan ng sinsuat avenue particular sa tapat ng cafe florencio ng lungsod.*
*Nakilala ang biktima nasi Cirilo Yabo Atoy 27 anyos na residente ng Torres sultan kudarat maguindanao, siyay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang tenga mula sa caliber 45 pistol na baril na naging sanhi ng agara nitong kamatayan.*
*Ayon pa sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, ni PCI Efren Salazar na kahahatid lang ng biktima sa kanyang misis sa CRMC at habang siyay pauwi na sana ay bigla siyang binuntutan ng riding in tandem criminals at pagsapit sa tapat ng cafe florencio ay dito na siya binaril.*
*Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspect patungo sa hindi napag alamang direction…Pangalawang beses ng binaril ang biktima kahapon, dahil noong september 23 ay una siyang binaril sa kanto ng Ortouste at sinsuat avenue, ngunit hindi napuruhan at siyay nagpagaling sa Koronadal city…Noong isang araw lamang daw ito bumalik sa Torres sultan kudarat at kahapon pagkatapos niyang ihatid ang misis ay sinundan na siya.*
*Personal grudge ang nakikitang motibo ng kapulisan sa insedente habang nagpapatuloy ang inbestigasyon.*

Facebook Comments