Naaresto ng awtoridad ang isang 55-anyos na janitor matapos lumabas mula sa isang nasusunog na classroom sa pogo elementary sa alaminos city noong hapon ng linggo, Abril 5.
Ayon sa imbestigasyon, papasok sana sa silid ang isang guro nang makasalubong niya ang suspek na nagmula sa nasabing classroom. Tumambad sa guro ang nasusunog na basahan at pintuan ng banyo ng silid, na agad nagdulot ng alarma.
Agad namang naiulat ang insidente sa barangay upang mapigilan ang pagkalat ng apoy at maiwasan ang mas malaking pinsala sa paaralan.
Naaresto ng rumespondeng awtoridad ang suspek at isinuko sa Alaminos City Police station para sa kaukulang imbestigasyon at posibleng pananagutan sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsalang dulot nito sa pasilidad ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










