Janssen COVID vaccine, ibigay muna sa mga commuter at transport personnel

Inirekomenda ni BHW Partylist Representative Angelica Natasha Co na ilaan na lamang sa mga commuters at mga tauhan ng mga transport companies ang single-dose COVID-19 vaccine na Janssen ng Johnson & Johnson.

Ngayong buwan ng Hulyo ay inaasahan kasi ang pagdating ng COVID vaccines ng Janssen Pharmaceuticals sa bansa.

Batay sa mungkahi ni Co, ibigay na lang muna ang single-shot Janssen vaccine sa mga commuters at transport personnel ng mga bus at barko na bumabyahe sa NCR at Batangas port gayundin ang mga tauhan ng transport hubs sa Visayas at Mindanao.


“My humble suggestion is that some of these Janssen vaccines be jabbed into the arms of willing commuters and personnel of transport companies especially those whose buses and ships converge at NCR hubs and at the Batangas port. Please include also some strategic transport hubs in Visayas and Mindanao,” ani Co.

Naniniwala si Co na ang hakbang na ito ay makakabawas sa pagkalat ng virus mula sa mga byahero sa iba’t ibang probinsya.

“These steps could reduce the spread of COVID to, from and between the provinces linked by commuter transport routes,” sabi pa ng lady solon.

Kumpyansa rin ang kongresista na maibabalik nito ang tiwala ng publiko sa pagko-commute lalo pa’t limitado lamang ang suplay ng bakuna kaya naman strategic ang paraan na ito.

“Public confidence in commuting can also be restored. Given the limited supply, this would be strategic use of the finite resource,” dagdag pa ng mambabatas.

Iminungkahi ni Co na maaaring gawin ang pagbabakuna ng Janssen dalawang oras bago sumakay ng provincial bus o barko ang isang byahero.

“It can be done, for example, at least two hours bago sumakay ng provincial bus o barko, i-Janssen vax muna. That already includes observation time for adverse reactions. Nearly all adverse reactions are just soreness of injection site. Problem solved. Fully vaccinated agad. Protektado na ang pasahero pati ang lugar na pupuntahan niya,” anang kongresista.

Sa ganitong paraan ay makatitiyak na fully-vaccinated na ang isang pasahero at protektado pa ang lugar na pupuntahan.

Facebook Comments