January 21, idineklarang special non-working day sa ARMM, Cotabato City at Isabela City, Basilan

Basilan – Idineklarang special non-working day ni Pangulong Rodrigo Duterte ang January 21, 2019 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Cotabato City at sa Isabela City, Basilan.

Ito ay para bigyang-daan ang isasagawang plebisito ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa proclamation number 646 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Enero a-diyes, binibigyan ng pagkakataon ang mga residente sa lugar na makaboto sa plebisito.


Wala pa namang inilalabas na proklamasyon ang Malacañang kung gagawin ding special non-working day ang February 6 para naman sa plebisito ng BOL sa Lanao del Norte maliban sa Iligan City at anim na munisipyo sa North Cotabato.

Facebook Comments