Lumagda ang Pilipinas at Japan ng 253.3 bilyon yen o P112.9 bilyon na loan agreement para pondohan ang itatayong Metro Manila Subway Project.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ang utang ay babayaran sa loob ng 27 taon at may palugit na 13 taon para sa kabuuang panahon ng maturity na aabot sa 40 taon.
Kasunod ito nang naunang utang ng bansa na 104.53 bilyong yen o P47.58 bilyon na nilagdaan noong 2018.
Nauna nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakdang makumpleto sa 2025 ang 34KM Subway Project at magkakaroon ito ng partial operation bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments