Inanunsyo ng Embahada ng Japan sa Pilipinas na pansamatala nitong sinuspinde ang pag-iisyu ng visa dahil na rin sa pag-iingat kontra Omicron variant ng COVID-19.
Batay sa kanilang abiso, pansamantalang suspendido ang pag-iisyu ng multiple entry visas for tourism, business purposes, pagbisita sa mga kaibigan o kaanak at visa for transit.
Kasama rin ang visa para imbitasyon mula sa military personnel, visa for house servant na kinuha ng mga opisyal o diplomat, visa for application for eligibility na inisyu ng Japan at pagdalo ng conference ng mga pribadong organisasyon.
Suspendido rin ang validity ng visa na inisyu bago mag December 2, 2021
Hindi muna papayagan ang pagbiyahe papunta ng bansang Japan mula December 2 hanggang December 31, ngayong taon.
Pero hindi naman kasama sa suspensyon ang mga asawa at anak ng mga Japanese national, personnel at diplomat.