Japan, handang tumulong sa pagpapaunlad ng imprastraktura at maritime control at pagpapalakas sa maritime security personnel

Layunin ng Japan na palawigin ang tulong para sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng bansa upang mapagaan ang nakapanlulumong epekto ng mga kalamidad.

Inihayag ito ni Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo ng siya ay mag-courtesy call kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sa paghaharap ng dalawang opisyal, tiniyak ni Natsuo ang patuloy na pagpapalalim sa ugnayan ng Pilipinas at Japan.


Bukod dito ay sinabi rin ni Yamaguchi ang malakas na suporta para sa kinakaharap na maritime issues ng Pilipinas.

Bunsod nito ay inalok din Natsuo ang tulong ng Japan sa pagpapatatag ng kakayahan ng mga tauhan sa seguridad sa karagatan ng ating bansa.

Facebook Comments