Iginiit ng bansang Japan na mahigpit ang ugnayan nila sa Pilipinas sa mga isyu sa East at West Philippine Sea maging sa iba pang mga usapin.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Enrique Manalo at Minister for Foreign Affairs ng Japan Kamikawa Yoko, ang pangakong ito ay ginawa ng magkabilang panig sa usapin sa iba’t ibang larangan.
Gaya na lamang ng pagsulong sa bilateral cooperation sa seguridad kabilang ang Official Security Assistance (OSA), transfer of defense equipment and technology, maritime security capacity building, provision ng patrol vessels, at ang materialization ng Japan-US-Philippine cooperation.
Matatandaang nagpulong ang dalawang opisyal sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Ministerial Meeting sa San Francisco, California.