Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang nakatakdang pagkuha ng Japan ng 820,000 na mga manggagawa sa susunod na limang taon.
Ayon kay Migrant Workers Usec. Patricia Yvonne Caunan, ang daan-daang libong manggagawa na kukunin ng Japan ay ide-deploy sa limang sentor doon.
Sinabi pa ni Caunan na kabilang din sa kukunin ng Japan ang Pinoy taxi drivers sa harap ng kanilang pagpapalakas sa transport sector doon.
Sa susunod na taon ay magde-deploy rin aniya ang Pilipinas ng karagdagang Pinoy workers sa Slovenia at Finland at walang placement fee na kailangang bayaran.
Sa inilunsad ng DMW kanina na Overseas Labor Market Forum, kinumpirma rin ni Usec. Caunan ang pagkuha ng Croatia sa susunod na taon ng Pinoy caregivers at hotel workers sa harap ng paglakas ng tourism industry ng nasabing bansa.
Maging ang Singapore aniya ay nakikipag-ugnayan na rin sa kanila para sa pag-hire ng karagdagang Pinoy workers.