Sunday, January 18, 2026

Japan, magbibigay ng mga bakuna sa Pilipinas

Magbibigay ang Japan ng AstraZeneca vaccines sa limang bansa sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.

Ayon sa Foreign Ministry in Tokyo, target i-deliver ang inisyal na isang milyong dose ng AstraZeneca sa Vietnam matapos ang pagsirit doon ng COVID-19 case.

Inanunsyo naman sa Twitter ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko na tatanggap din ang Pilipinas ng mga donasyong bakuna.

Gayunman, hindi pa batid kung gaano ito karami.

Facebook Comments