Japan, magbibigay ng mga barkong pandigma sa Pilipinas

Kinumpirma ng Philippine Navy na isinasapinal na ang inspeksyon para sa posibleng paglipat ng mga barkong pandigma mula sa Japanese Maritime Self-Defense Force.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, inimbitahan sila ng Japanese Ministry of Defense para sa joint visual inspection ng ilang Abukuma-class destroyer escort, mga barkong idinisenyo para sa anti-submarine at anti-ship warfare.

Target ng Philippine Navy ang mga ganitong klase ng barko bilang bahagi ng pagpapatibay sa seguridad at proteksyon ng maritime domain ng bansa.

Ani Alcos, sa ngayon, wala pa tayong destroyer dahil Frigates at corvettes pa lamang ang meron tayo.

Magpapadala aniya ng mga eksperto ang Pilipinas upang masuri ang kondisyon at kapasidad ng mga barko bago magdesisyon kung kukunin ang mga ito.

Sa inisyal na ulat, nasa anim na unit ng destroyer escorts ang balak ibigay ng Japan sa Pilipinas bilang bahagi ng pinagtibay na alyansa at layuning mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific region.

Facebook Comments