Manila, Philippines – Popondohan ng Japan ang pagpapatayo ng radar stations sa ilang isla sa Sulu Seas.
Nakapaloob ito sa kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan para maglagay ng apat na Coast Guard Stations sa karagatan na nasa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Layon nitong masawata ang malawakang pamimirata sa lugar na pangunahing daanan ng mga mangangalakal.
Ang pondo ay magmumula sa overseas development aid ng Japan na bahagi ng aid package para naman sa military, mga imprastraktura at tulong sa pagbangon ng Marawi City.
Sa susunod na linggo ay inaasahang malalagdaan ang kasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Facebook Comments