Abot sa 24,800 prefabricated housing units ang ipinangako ng Japan Satsuma Russian Exchange Council, isang NGO na nakabase sa Japan ang ipagkakaloob sa mga internally displaced persons (IDP) sa Marawi City.
Ito ang inanunsyo ni National Commission On Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan matapos tiyakin sa kanya ni SREPC President Norio Akajori na muling bumisita sa kanyang tanggapan.
Bawat unit ay may 2 hanggang 3 bedrooms, may bathroom, kitchen at sala na may minimum land area na 150 square meters.
Nagkakahalaga ang bawat bahay ng 4 hanggang 6 na milyong piso.
Bukod sa pabahay, may probisyon din na magbibigay ng trabaho sa Japan at work visas para sa qualified residents ng Marawi ang Japanese group.
Una nang ipinangako ng Japan Mindanao mission group kay Secretary Pangarungan na tutulungan nila ang mga residente sa Marawi City na lubhang naapektuhan ng giyera kontra Maute- ISIS noon.
Ang proposed agreements sa mga proyektong ito ay isinumite na sa Malacañang para sa approval.
Nagsagawa na ng on-site inspection ang Japanese delegation sa Marawi City para sa proyekto.