Japan, muling magbibigay ng halos 2-M AstraZeneca COVID-19 vaccine sa bansa

Muling magbibigay ang bansang Japan ng 1.96 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Japanese Foreign Minister Motegi Toshimitsu.

Ayon kay Toshimitsu, ang karagdagang donasyong mga bakuna mula sa Japan ay idedeliver sa pamamagitan ng batches ngayong buwan.


Una nang nagbigay ang Japan ng 1.124 million doses ng AstraZeneca vaccine noong Hulyo 8.

Facebook Comments