Japan, nagbigay ng Avigan tablets sa Pilipinas para sa posibleng COVID-19 treatment

Nagbigay ang Japan ng anti-flu drug na Avigan sa Pilipinas para sa posibleng COVID-19 treatment.

Sa abiso ng Japanese Embassy sa Manila, ang Avigan tablets ay ite-test sa 100 pasyente sa bansa at ang donasyon nilang ito ay bahagi ng Emergency Grant Aid sa mga bansang matinding naapektuhan ng COVID-19.

Umaasa ang Japan na ang patuloy na kooperasyon nila sa Pilipinas ay makaaambag sa advancement ng clinical research para mapigilan ang pandemya.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na aabot sa 199,000 Avigan tablets ang matatanggap ng Pilipinas mula sa Japan.

Facebook Comments