Japan, naghahanap ng assistant language teachers – POEA

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaari nang mag-apply bilang assistant language teachers sa Japan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho abroad.

Ayon sa POEA, ang Japanese Embassy ay kasalukuyang tumatanggap ng applications para sa assistant language teachers sa ilalim ng 2021 Japan Exchange and Teaching (JET) Programme hanggang January 8.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat isang Filipino citizen, mahusay sa pagsasalita at sa pagsusulat sa wikang Ingles.


Dapat ding physically fit na magtrabaho abroad.

Mayroon din dapat Bachelor’s degree o mataas pa para maabot ang qualifications.

Ipoproseso ng POEA ang travel exit clearances o Overseas Employment Certificates ng participant sa pamamagitan ng direct hire facility.

Ang lahat ng application materials at requirements para sa programa ay dapat ipasa sa pamamagitan ng couriers patungo sa Japan Information and Culture Center, Embassy of Japan in the Philippines sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Ang JET Programme ay isang exchange program na inilunsad ng Japanese Government noong 1987 kung saan ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kalahok.

Facebook Comments