Japan, nagpadala ng military aircraft sa Afghanistan

Nagpadala ang otoridad ng Japan ng military aircraft sa Afghanistan upang sunduin ang kanilang mga mamamayan na naipit sa kaguluhan sa bansa.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato, kabilang sa mga susunduin ay mga Japanese citizen na nagtatrabaho sa Japanese embassy o kasama sa Japanese missions.

Bukod sa Japan, ilang bansa na rin tulad ng Estados Unidos at Britain ang nagpadala ng kanilang mga aircraft para sunduin ang kanilang mga mamamayan.


Facebook Comments