Magbibigay ng dynamic support ang gobyerno ng Japan sa Pilipinas para makamit ang Upper Middle Income Country o UMIC status ng Pilipinas sa taong 2025.
Ang pahayag ay ginawa ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa naganap na historical bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Japan.
Sa joint statement sinabi ni Prime Minister Kishida na magagawa nila ang dynamic support sa Pilipinas para makamit ang UMIC status pagsapit ng taong 2025 sa pamamagitan ng aktibong Kontribusyon ng Official Development Assistance (ODA) at 600 bilyong yen na investment mula sa private-sector para sa Japanese Fiscal Years 2022–2023.
May ilang ASIAN leaders rin ang nangakong ipapatupad pa rin ang nagpapatuloy na future economic cooperation projects sa pamamagitan ng High Level Joint Committee on Infrastructure Development and Economic Cooperation para makamit ng Pilipinas ang UMIC status.
Samantala, nagpahayag naman si Prime Minister Kishida nang intensyong tumulong sa pagpapaganda pa ng kalidad ng transport infrastructure sa Pilipinas na may kaugnayan sa Build, Better More program ng Marcos Administration maging ang pagtulong rin sa pagkakaroon ng equitable regional development sa Pilipinas kabilang ang Mindanao.
Susuportahan din daw ng Japanese prime minister ang priority agenda ng Marcos administration para mapanatili ang competitiveness ng PIlipinas upang makamit ang food security, habang pinapalakas ang farm productivity, efficiency at kinikita ng mga magsasaka.
Lumagda rin ang dalawang lider ng Memorandum of Cooperation (MOC) na magbibigay ng framework para sa agricultural cooperation, katulad ng pagbuo ng Joint Committee on Agriculture, palitan ng mga agricultural and rural development policies, cooperation in resilient and sustainable agriculture at food systems, smart technology, at pagpapalakas ng food value chain.