Nakapagtala na ang Japan ng unang kaso ng monkeypox virus.
Ayon sa Health Ministry Official, ang naturang nagpositibo sa sakit ay isang lalaki na nasa edad 30-anyos na may travel history sa Europe noong nakaraang buwan.
Dagdag pa, nakaramdam ng lagnat, pananakit ng ulo at pagkapagod ang lalaking tinamaan ng monkeypox virus.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang lalaki sa ospital.
Matatandaang, nagdeklara na ang World Health Organization (WHO) na global health emergency ang pagkakalat ng monkeypox virus.
Ang monkeypox ay itinuturing din na serious infection bagama’t may bakuna na para dito.
Facebook Comments