Japan, nangangailangan ng 300,000 foreign workers

Nangangailangan ngayon ang Japan ng mahigit 300,000 na foreign workers na magtatrabaho sa 14 na industriya sa bansa.

Dahil dito, maglulunsad ang Japan ng employment track sa Abril kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang manggagawa na dalhin ang kanyang pamilya at maging immigrants sila.

Una nang nagpulong ang mga opisyal ng japan at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa bagong employment track na “specified skilled worker visa.”


Ayon sa POEA, ang track ay iba sa Technical Internship Training Program (TITP) kung saan magiging trainee ang isang aplikante atlimang taon ang kontrata nito pero hindi pwedeng mag-renew o mag-apply uli matapos ang internship.

Pero sa bagong visa, pwedeng maging full time worker ang titp workers at dapat lamang ipasa ang requirements na language proficiency exam at skills test.

Facebook Comments