Inihayag ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nangangailangan ng maraming manggagawang dayuhan ang bansang Japan kabilang ang mga Filipino na tutugon sa kanilang pangangailangan sa sektor ng pagsasaka, nursing care, konstruksiyon at mga propesyonal,
Ayon kay Bello, kailangan ang mga nagnanais na kumuha ng visa ay kailangang pumasa muna sa skills and language test.
Base sa advisory, ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) magkakabisa ang bagong Visa sa April 2019 na nagtatakda sa mga dayuhan na may edad na 18-pataas na makapag-apply sa dalawang residency status Visa type 1 at ang Visa type 2.
Paliwanag ni Bello sa ilalim ng Visa type 1, pinapayagan ang mga dayuhan na makapagtrabaho sa farming, nursing care, construction at iba pa.
Balido ang Visa sa loob ng limang taon pero hindi pinapayagan ang Visa holder na dalhin ang kanilang pamilya sa Japan.
Habang sa Visa type 2, naman ang holder ay kailangang may mas mataas na pinag-aralan pero pinapayagan naman sila na dalhin ang kanilang pamilya, unlimited renewals at permanent residency.