Japan, nangangailangan ng Pinoy caregivers at construction workers

Nangangailangan ang Japan ng Filipino caregivers at construction workers.

Partikular na ide-deploy ang mga kukuning Pinoy talents sa Kagawa, Japan.

Kaugnay nito, nagtungo sa tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) si Kagawa Governor Toyohito Ikeda, at ilang Japanese employers mula sa Kagawa Prefecture.

Pinag-usapan na rin nila ng DMW ang mga polisiya sa recruitment at deployment ng OFWs.

Sa ngayon, 2,191 Filipino workers ang naka-deploy na sa Kagawa.

Facebook Comments