Japan, pinayagan na ang pagpasok sa food market nito ng mga hass avocado mula sa Pilipinas

Inaprubahan na ng Japan ang pag-export ng hass avocados ng Pilipinas sa food market nito.

Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Glenn Panganiban, na access na ang food market sa Japan makalipas ang 13 taon na pakikipagnegosyohan.

Umaabot sa 2,240 boxes ng hass avocado o may katumbas na 12,320 kilograms ang in-export na nagkakahalaga ng USD 40,320.


Tina-target na makapag-export muli sa susunod na taon ng hass avocado ng may 88,000 boxes o 484,000 kilograms.

Ang Japan ang pangunahing importer ng hass avocados, na may import value na USD160 million (61,000 metric tons) noong 2023.

Ang pangunahing suppliers ay Mexico, Peru, Australia, New Zealand at United States.

Facebook Comments