Japan Prime Minister nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw; usapin sa WPS isa sa posibleng matalakay ayon sa Malacañang

PHOTO: Martin Holtkamp

Nakatakda mamayang hapon ang pagdating ng Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida.

Opisyal itong tatanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa palasyo ng Malacañang.

Batay sa anunsyo ng palasyo, pasado alas-dos ng hapon ang pagdating ni Prime Minister Kishida.


Una nitong aktibidad ay ang pagsasagawa ng wreath laying ceremony sa Rizal Momunent.

Kasunod nito, ay bibigyan ng arrival honors ang Japan Prime Minister sa Kalayaan Grounds sa palasyo ng Malacañang.

Pagkatapos, ay ang pagpirma sa guestbook na gagawin sa Reception Hall.

May dalawang klase naman ng pagpupulong ang gagawin nina Pangulong Marcos Jr. at Prime Minister Fumio Kishida.

Una, ay close-in meeting na gagawin sa Music Room ng palasyo at bilateral meeting na gaganapin sa state dining room sa Malacañang.

Magkakaroon rin ng Presentation of Agreements and Joint Press Statement.

Panghulievent ng dalawang lider ay state banquet na isasagawa sa Ceremonial Hall.

Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, na ilan sa mga partikular na mapagusapan sa gagawing paguusap ng dalawa ay may kinalaman sa isyu sa West Philippine Sea (WPS), kalakalan, at invesment.

Matatalakay rin ang Japan’s Official Development Assistance (ODA).

Maging ang palitan ng ideya ng dalawang lider patungkol sa regional, international, at United Nations nakakaapekto sa rehiyon at buong mundo ay mapaguusapan rin.

Una nang nagsagawa ng official visit sa Japan noong Pebrero si Pangulong Marcos Jr., kung saan nakakuha ang presidente ng 13 bilyon halaga ng agreements na mag bibigay ng libo-libong trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments