Makikiisa narin ang Japan sa kamandag 3 o “kaagapay ng mga mandirigma sa dagat” joint Philippine-US Military Exercise na inilunsad kaninang umaga sa Subic Bay International Airport, Subic Bay Free Zone, Olongapo City.
Ayon kay Philippine Marines Spokesperson Capt. Felix Serapio, ang Japan ay inanyayahan na makilahok sa ehersisyo, pero hindi pa ito makukunsiderang trilateral-exercise dahil ang aktibidad ay isinasagawa sa ilalim ng RP-US defense treaty.
Ayon kay Serapio, 100 sundalo ng Japan mula sa Japan ground self defense force amphibious rapid deployment brigade ang makakasama ng 1,400 amerikanong sundalo ng 11th marine expeditionary unit, 600 Philippine marines, at karagdagan pang personnel ng Philippine Coast Guard at Philippine Air Force sa naturang ehersisyo.
Ang joint exercise ay katatampukan ng amphibious landing exercise sa Ternate Cavite sa oktubre a-12 at live fire final exercise sa Col. Ernesto Rabina airbase sa Capas Tarlac sa Oktubre a-17.
Magkakaroon rin ng humanitarian and disaster relief activities sa Floridablanca Pampanga sa Oktubre 11 , Palayan City, Nueva Ecija sa Oktubre 14, Subic Zambales sa Oktubre 15 at Olongapo City sa huling araw ng ehersisyo, bago ang closing ceremony sa marine base rudiard brown, Fort Bonifacio sa Oktubre a-18.