Japan Self Defense Force, nagpahayag din ng suporta sa AFP matapos ang insidente sa Ayungin Shoal

Buo ang suporta ng Japan Self Defense Force sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ito’y kasunod na rin ng panggigipit ng China sa pinakahuling resupply mission sa Ayungin Shoal nitong June 17, 2024.

Kahapon nagkausap sina General Yoshihide Yoshida, Chief of Joint Staff ng Japan Self Defense Force at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa pamamagitan ng video teleconference kung saan dito’y nagpahayag ng pagkabahala si General Yoshihide sa sitwasyon sa West Philippine Sea dahil sa tumitinding panggigipit at pangha-harass ng China.

Napag-usapan din ng dalawang heneral ang mga oportunidad sa pagtutulungan kasunod ng pamimirata ng Chinese Coast Guard sa RORE Mission ng AFP sa Ayungin Shoal.


Kasunod nito, nagpasalamat si Gen. Brawner kay Gen. Yoshihide sa patuloy na suporta ng Japan, partikular sa pagiging isa sa unang limang bansa na pumanig sa Pilipinas at kumondena sa aksyon ng Chinese Coast Guard.

Facebook Comments