Japan, tiniyak ang kolaborasyon ng kanilang defense force sa puwersa ng Pilipinas sa harap ng tensyon sa rehiyon

Tiniyak ni Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa ang kolaborasyon ng defense forces ng Pilipinas at Japan.

Sa harap ito ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa pagtatapos ng 2nd Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting sa The Fort, Taguig City, inihayag ni Minister Kamikawa na maging ang Japan ay nababahala na sa mga aktibidad ng China laban sa Pilipinas.


Tiniyak din ng naturang Japanese official ang patuloy na suporta ng Gobyerno ng Japan sa peace process sa Mindanao.

Sa panig ng Pilipinas, tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Manalo ang patuloy na ugnayan ng maritime forces ng Pilipinas at Japan.

Samantala, nilinaw naman ni Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. na wala namang pinagkaiba ang nilagdaan ng Pilipinas at Japan na Reciprocal Access Agreement, sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa Amerika at Australia.

Facebook Comments